

Dinala ang isang Crested Goshawk (ππ€π€πͺπ±πͺπ΅π¦π³ π΅π³πͺπ·πͺπ³π¨π’π΅πΆπ΄) sa tanggapan ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) matapos itong matagpuan ng isang concerned citizen sa loob ng isang kahon malapit sa isang construction site sa Brgy. San Jose noong Sabado, ika-14 ng Marso 2026. Nag-alala siya nang makitang may tali ang paa ng ibon at napansin ding putol ang buntot at pakpak nito, kaya napagdesisyunan niyang agad itong dalhin sa tanggapan ng PCSDS.
Sa kasalukuyan, hindi pa maaaring ibalik sa natural nitong tirahan ang nasabing buhay-ilang, sapagkat kinakailangan muna nitong sumailalim sa rehabilitasyon upang tuluyang maghilom ang mga natamong pinsala. Ito ay nasa pangangalaga ng Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC).
Kabilang ang Crested Goshawk sa mga buhay-ilang na nanganganib nang maubos o endangered species ayon sa PCSD Resolution 23-967 kaya narito ang sumusunod na paalala:
Pinapaalalahanan ng PCSDS ang publiko na ang pagkuha, pagdadala, pag-iimbak at pakikipagkalakalan ng mga threatened species at ng anumang bahagi ng mga ito ay mahigpit na ipinagbabawal. Hinihikayat ang lahat na agad ipagbigay-alam ang anumang impormasyon o kahina-hinalang gawain na may kinalaman sa buhayβilang at kapaligiran sa pamamagitan ng mga sumusunod na numero:
πππππ ππ§ππ¨π«πππΊπ²π»π ππππ¦
Central β 09513208791
South β 09169546919
North β 09125753527
Calamian β 09076605619
