
Nakiisa ang Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) sa isinagawang Opening Program and Ribbon Cutting para sa Photo Exhibit sa Robinsons Place Palawan kaugnay ng selebrasyon ng Subaraw Biodiversity Festival 2022 at PPUR Day.

Sa pamamagitan ng exhibit ay itinampok nito si Panpan upang ipakilala ang uri ng buhay-ilang na maituturing nang “Most Trafficked Mammal in the World”, ang mga pangolin o balintong. Katabi nito ay si Sid, isang malusog na puno na representasyon ng kagubatang kung aalagaan ay lalago.

Maliban dito, ay tampok din ang mga larawan ng buhay-ilang na may mga nakakatuwa at witty quotes.

Bukod sa mga pamphlets na ipinamamahagi PCSDS gaya ng Ang Kwento ni Panpan, The Seven Ecological Principles, at mga espesyal na batas na ipinatutupad sa Palawan, ay namamahagi rin ito ng mga flyers patungkol sa darating na National Climate Change Consciousness Week mula ika-19 hanggang ika-25 ng Nobyembre, taong kasalukuyan, bilang pakikiisa ng ahensya sa selebrasyong ito.
Kasabay ng ibang mga ahensya gaya ng Puerto Princesa Subterranean River National Park, Conservation International Philippines, DENR, DA-BFAR, ZSL, at Katala Foundation Incorporated na mayroon ding mga inihandang photo exhibits, ay magtatagal pa ang aktibidad hanggang sa araw ng Sabado, ika-12 sa buwan ng Nobyembre.
