Reticulated Python, dinala sa PCSDS para sa wastong pangangalaga

by | Aug 1, 2024

Isang Reticulated Python (Malayopython reticulatus) ang dinala sa PCSDS ng mga security force ng isang kilalang mall sa Palawan. Ayon kay G. Alexander Oximoso, nadatnan umano ng kanilang kasamahan ang ahas na may hinahabol na daga patungo sa loob ng kanilang warehouse. Agad naman nila itong iniligtas sa pag-aalalang posibleng malagay pa sa alanganin ang buhay ng ahas, sakaling ibang tao ang makakita. 

Ayon sa PCSD Resolution No. 23-967, kabilang sa listahan ng mga ‘endangered species,’ o nanganganib nang maubos ang Reticulated Python sa lalawigan ng Palawan. Kaya sakaling may makita o mapag-alamang buhay-ilang na kinakailangang sagipin o nais dalhin sa PCSD, mangyaring magpadala ng mensahe o tumawag sa numerong 09319642128 (TNT) o sa 09656620248. Maaari din kayong mag-iwan ng mensahe sa Facebook page na ito para sa agarang aksyon.