
SAN VICENTE, PALAWAN — Nagkaisa ang iba’t ibang ahensiya at kinatawan ng lokal na pamahalaan ng San Vicente, Palawan sa pagsasagawa ng tatlong araw na Capability Enhancement of Relevant Agencies Training ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) na nagsimula noong ika- 22 ng Oktubre taong 2025.
Kabilang sa mga aktibong dumalo sa pagsasanay ang mga kinatawan mula sa ECAN Board, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), iba’t ibang Barangay officials, Philippine Coast Guard (PCG), Palawan State University (PSU), Indigenous People’s Mandatory Representative (IPMR), at Municipal Planning and Development Office (MPDO).
Para sa unang araw ng training, tinalakay ng PCSDS – ECAN Education and Extension Division (EEED) ang mahahalagang batas at polisiya na may kinalaman sa pagpapatupad ng tungkulin ng ECAN Board Members at ng Local Government Units (LGUs). Partikular na pinagtuunan ng pansin ang mga estratehiya at regulasyon para sa pagsulong ng konserbasyon ng kanilang flagship species sa munisipyo— ang Olive Ridley Sea Turtle (Lepidochelys olivacea).
Sa ikalawang araw ng pagsasanay, bumiyahe ang mga kalahok patungo sa Barangay Alimanguan, isang kilalang nesting site ng mga pawikan sa San Vicente, para isagawa ang kanilang field activity. Hinati sa tatlong bahagi ang aktibidad:
1. Physical Site and Threat Assessment:
2. Community Knowledge, Attitudes, and Practices (KAP) Analysis Protocol:
3. Marine Debris Linkage Survey Protocol:
Isinagawa ang tatlong araw na pagsasanay na ito bilang tugon sa resulta ng Training Needs Assessment (TNA) na isinagawa noong Setyembre 2025. Layunin nitong palakasin ang lokal na pamamahala sa paggawa ng evidence-based proposal para sa resource mobilization at mas epektibong biodiversity conservation sa San Vicente.




