




π΄ππππππ 10,000 π²πππ ππ πΊππππ ππ π»ππππππ, π²ππππππππ π ππ π·πͺπΊπ«πΊ
Enero 14, 2026, El Nido, Palawanβ Isang matagumpay na sanib-puwersang operasyon na pinangunahan ng PCSDS-Wildlife Enforcement Officers (WEO- Team North) ang nagresulta sa pagkumpiska ng 156 piraso na shell ng taklobo na mahigit 10,000 kilo ang bigat. Nadiskubre ang mga ito matapos ang detalyadong surveillance at pagmo-monitor sa aktibidad ng dalawang suspek, kung saan namataan umano ang mga taklobo sa kanilang bakuran.
Kasama rin sa paggawa ng operasyon ang Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police β Palawan Mobile Force Company (PNP-PMFC), at mga opisyal ng Brgy. San Fernando, El Nido. Ang mga nakumpiskang shell ng taklobo ay kasalukuyang nasa operations center ng PCSDS para sa tamang pagproseso.
Patuloy naman na pinaaalalahanan ng PCSDS ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pangongolekta ng mga wildlife by-products, gaya ng shell ng taklobo, ayon sa Batas Republika 9147 o mas kilala bilang Wildlife Act. Hinihikayat din ang lahat na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pangangalaga ng likas-yaman ng Palawan at huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa PCSDS Enforcement Team para sa agarang ulat o aksiyon sa pamamagitan ng mga sumusunod na numero:
Central β 0951 320 8791
South β 0916 954 6919
North β 0912 575 3527
Calamian β 0907 660 5619
