Kamakailan, ilang indibidwal ang inaresto at sinampahan ng mga kasong kriminal at administratibo ng PCSD kaugnay ng dalawang magkahiwalay na regular inspection at compliance monitoring activities sa Lungsod ng Puerto Princesa.
Unang inaresto at sinampahan ng kaso ang ilang Pilipino at foreign nationals dahil sa pagtataglay ng mga regulated fish species na labag sa size restrictions, at ng mga ipinagbabawal na species ng isda at mga corals.
Kalaunan naman ay kinasuhan ang sangkot na mga indibidwal sa paghadlang sa pagsasagawa ng PCSD ng inspeksiyon at pagsubaybay.
Paalala ng PCSD sa publiko: may mandato ang ahensiya sa ilalim ng iba’t ibang batas-pangkalikasan tulad ng RA 7611 (SEP Law), RA 9147 (Wildlife Act), RA 9175 (Chainsaw Act), na magsagawa ng inspeksiyon at compliance monitoring activities para tiyakin ang tamang pagsunod sa mga regulasyon para sa pangangalaga ng kalikasan at mga likas-yaman ng Palawan. Ang mga ito ay isinagawa nang legal at may pakikipag-ugnayan sa mga kaukulang ahensiya.



