
Isang patay na balyena ang natagpuan malapit sa Montemar, Brgy. Burabod, Culion, noong Dec. 9, 2025. Agad na tumugon ang PCSD-DMD Calamian, kasama ang Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council (MFARMC) at mga tauhan ng Montemar Agro Marine Corp., na siyang humila at nag-secure ng bangkay patungo sa Media Banco Island.
Tinatayang 8 metro ang haba ng balyena at nasa ‘advanced decomposition’ na, kaya hindi na matukoy kung ano’ng uri ito ng balyena, at kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay.
Dahil sa laki ng balyena at matapos masigurong walang nakatira sa pinagdalhang isla, hinayaan na lamang ang bangkay na mabulok nang natural, sa halip na ilibing pa ito.
PAALALA: Kung may makita kayong stranded, sugatan, o patay na wildlife, i-report agad sa PCSDS para sa tamang pag-aksiyon.
PCSDS Enforcement Team
Central – 09513208791
South – 09169546919
North – 09125753527
Calamian – 09076605619
PCSDS #Culion #WhaleStranding #MarineWildlife #Conservation





