
Hinihikayat ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) ang publiko na manatiling mapagmatyag sa pangangalaga ng mga buhay-ilang at likas na yaman ng Palawan.
Ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act No. 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act ang pangongolekta ng mga itlog ng wildlife, paggambala sa mga pugad at nesting grounds, at iba pang walang pahintulot na gawain na may kaugnayan sa mga protektadong species, kabilang ang Tabon Scrubfowl (Megapodius cumingii).
Binibigyang-diin ng PCSDS na mahalaga ang konserbasyon ng biodiversity upang mapanatili ang balanseng kalikasan at maprotektahan ang likas na pamana ng Palawan. Inaanyayahan din ang publiko na iulat sa kinauukulang awtoridad ang anumang hinihinalang paglabag na may kaugnayan sa wildlife.
