

Isang Olive Ridley sea turtle ang natagpuang patay sa baybayin ng Purok 6, Brgy. San Miguel, Linapacan, Palawan. Batay sa pagsusuri ng responding team mula sa PCSDS–DMD Calamian, CENRO Coron, at Philippine National Police (PNP), kamamatay lamang ng sea turtle. May sukat itong humigit-kumulang 78 cm ang haba at 88 cm ang lapad.
Sa pagsusuri ay napansing malnourished at puno ng barnacle encrustations ang katawan ng buhay-ilang at posibleng nakalunok ng plastic o iba pang unidentified marine debris—isa sa pinakamalaking suliraning kinahaharap ng mga buhay-ilang sa karagatan. Nang matapos ang pagsusuri, agad na sinunod ng mga hakbang sa maayos at ligtas na pag-alis sa yumaong buhay-ilang.
Ang Olive Ridley sea turtle ay patuloy na nahaharap sa mga seryosong banta dahil sa patuloy na paglala ng sitwasyon ng karagatan, pagkasira ng kanilang mga habitat, at iba pang mga gawain ng tao. Patuloy na nagpapaalala ang PCSD sa publiko na maging responsable sa pangangasiwa at pagtatapon ng mga kalat upang maiwasan ang pinsala sa ating karagatan at sa mga buhay-ilang.
Hinihikayat din ng PCSD ang publiko na agad iulat sa PCSDS Enforcement Team ang anumang insidente ng paglabag sa mga batas pangkalikasan sa mga sumusunod na numero:
Central: 0951 320 8791
South: 0916 954 6919
North: 0912 575 3527
Calamian: 0907 660 5619


