


Noong ika-25 ng Pebrero 2026, isang Rufous Night Heron (Nycticorax caledonicus) ang itinurn-over sa mga awtoridad matapos itong matagpuan ni G. Mapliliado D. Lao, isang concerned citizen. Ang ibon ay natagpuan sa isang masukal na bahagi ng Purok Bayanihan, Barangay San Manuel, Puerto Princesa City, at ito ay nanghihina at hindi makalipad.
Ayon kay G. Lao, posibleng nahulog ang heron mula sa isang puno o mataas na lugar. Nang lapitan niya ito, napansin niyang hindi ito makalipad o makatayo nang maayos, bagama’t walang malubhang sugat na nakita. Upang maiwasan ang karagdagang pinsala, maingat niyang inilagay ang Night Heron sa isang ligtas na lalagyan at dinala ito kinaumagahan sa tanggapan ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) at kasalukuyang nasa pangangalaga ng Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC).
Patuloy na pinaaalalahanan at inaanyayahan ng PCSDS ang publiko na makiisa sa pangangalaga ng kalikasan. Kung kayo ay may wildlife species na nais iturnover sa PCSDS, huwag mag-atubiling kontakin ang mga sumusunod na numero:
𝐏𝐂𝐒𝐃𝐒 𝐄𝐧𝐟𝐨𝐫𝐜𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐓𝐞𝐚𝐦
Central: 09513208791
South: 09169546919
North: 09125753527
Calamian: 09076605619
