


Nasa pangangalaga ngayon ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) ang isang rat snake (ππ°π¦ππ°π¨π―π’π΅π©πΆπ΄ π¦π³πΊπ΅π©π³πΆπ³πΆπ΄) na nasagip sa Barangay San Miguel, Puerto Princesa noong Oktubre 5, 2026.
Bandang alas-3:09 ng hapon nitong Lunes nang makatanggap ang PCSDS Operations Center sa Barangay Irawan ng abiso tungkol sa isang ahas na isinuko ng mga residente sa naturang barangay.
Agad na nagpadala ng response team upang beripikahin ang insidente at kunin ang buhay-ilang.
Sa paunang pagsusuri, nakumpirmang isang rat snake ang nasabing reptilya. Napag-alamang ito ay nasa kondisyon ng matinding stress at may nakitang mga pinsala sa katawan kaya hindi ito maaaring agad na pakawalan sa natural na tahanan nito.
Ang ahas ay kasalukuyang sumasailalim sa rehabilitasyon at pagsusuri sa Palawan Wilife Rescue and Conservation Center (PWRCC). Ihahatid lamang ang rat snake sakaling maging maganda na ang kondisyon ng ahas.
Samantala, walang naitalang insidente o aberya sa isinagawang retrieval, paunang pagsusuri, at pansamantalang pangangalaga sa ahas.
Hinihikayat ng PCSDS ang publiko na makiisa sa pangangalaga ng mga buhay-ilang sa pamamagitan ng mga agarang pag-ulat at pakikipag-ugnayan sa PCSDS o iba pang kinauukulang awtoridad para sa pagsagip ng nga ito.
PCSD Enforcement Team:
Smart/Sun: 09319642128
Globe: 09169646919
Land line: (048) 726-6627
