




Patay na nang matagpuan ng isang mangingisda ang isang spinner dolphin (Stenella longirostis) sa baybayin ng Barangay San Manuel, Puerto Princesa City noong Setyembre 30, 2026.
Bandang alas-5 ng hapon nang makatanggap ng ulat ang mga Wildlife Enforcement Officer (WEO) ng Palawan Council for Sustainable Staff (PCSDS) mula sa Frontdesk Officer ng Microtel by Wyndham tungkol sa na-stranded na dolphin/lumba-lumba na kanilang pinaghihinalaang wala nang buhay.
Agad na nagtungo ang mga WEO sa nasabing lugar at natukoy ang pagkamatay ng spinner dolphin sa tulong ng mga eksperto na sina Dr. Alessandro Ponzo ng LAMAVE at Dr. Glenn Rebong, on-call veterinarian ng PCSDS. Nagsagawa ang dalawang eksperto ng inisyal na pagsusuri subalit kinakailangan pang sumailalim ng nasabing marine mammal sa necropsy upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito.
Sa kasalukuyan ay nasa Operation Center ng PCSDS ang labi ng spinner dolphin upang mapreserba para sa mga susunod na pagsusuri at pag-aaral.
Hinihikayat ang publiko na makiisa sa pangangalaga ng mga buhay-ilang sa pamamagitan ng agarang pag-uulat at pakikipag-ugnayan sa PCSDS o iba pang kinauukulang awtoridad para sa pagsagip ng mga ito.
𝐏𝐂𝐒𝐃𝐒 𝐄𝐧𝐟𝐨𝐫𝐜𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐓𝐞𝐚𝐦 📱
Smart/Sun: 09319642128
Globe: 09169646919
Landline: (048) 726-6627
