Dalawang Southeast Asian Box Turtles (๐๐ถ๐ฐ๐ณ๐ข ๐ข๐ฎ๐ฃ๐ฐ๐ช๐ฏ๐ฆ๐ฏ๐ด๐ช๐ด) ang naiturn-over ng mga concerned citizens mula sa Bgy. Bagong Pag-asa at Bgy.Sta . Lourdes, Puerto Princesa City, sa Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) noong ika-4 hanggang ika-5 ng Oktubre ng taong kasalukuyan.
Ang unang pagong ay itinurn-over ni G. Ronald B. Pagador, kawani ng Prudential Customs Brokerage Services, Inc (PCBSI), sa PCSDS Wildlife Trafficking Monitoring Unit sa Seaport Office, Pto. Princesa City, dakong alas-9:20 ng umaga noong ika-4 ng Oktubre 4. Nakita niya ang pagong bandang 6:45 ng umaga malapit sa Tiniguiban habang sakay ng kanyang motorsiklo papunta sa trabaho. Dinala niya ang naturang wildlife species, na nasa mabuting kalagayan, sa PCSDS-WTMU Seaport PPA compound sa parehong araw para sa rehabilitasyon nito.
Ang pangalawang pagong ay itinurn-over ni G. Charles Cadiogan, residente ng Bgy. Sta. Lourdes, Puerto Princesa City. Una itong natagpuan ng isa sa mga pari sa St. Matthewโs Episcopal Church, Bgy. San Miguel, bandang 10:00 ng umaga noong ika-5 ng Oktubre. Ito ang unang insidente nang may natuklasang pagong sa loob ng lugar ng simbahan. Inutusan ng pari si G. Cadiogan na ibigay ang wildlife species sa PCSDS dahil alam niyang hindi ito ang unang beses ni G. Cadiogan para mag-turn over ng wildlife species para sa kaligtasan at pagkalinga sa mga ito.
Ang mga nasabing pagong ay pinakawalan pabalik sa kanilang natural na tirahan sa parehong araw ng pagsagip at pagkalinga sa kanila.
Ang mga Southeast Asian Box Turtles ay nakalista bilang “Endangered Species” sa ilalim ng PCSD Resolution No. 15-521.
Hinihimok ng PCSDS ang ating kababayan na nagkataong nakakita o nakahuli ng buhay ilang na mangyari po lamang na iturn over sa aming tanggapan o dili kaya ay tumawag sa ating hotlines sa pamamagitan ng mga numero ng PCSDS Wildlife Enforcement Unit (WEU) na 09319642128 (TNT) at 09656620248 (TM) o sa pamamagitan ng mga numero ng hotline ng PCSDS Front Desk na 0935-116-2336 (Globe/TM) at 0948-937-2200 (Smart/TNT). Maaari ka ring magpadala ng mensahe sa aming Facebook page para sa iyong mga alalahanin.