








Enero 21–23, 2026 | El Nido, Palawan — Ilang wildlife species ang nasagip sa magkakahiwalay na wildlife rescue operations mula sa pinagsanib na pwersa ng PCSDS Enforcement Team North at Central katuwang ang Peace and Security Cluster ng Pamahalaang Panlalawigan at DENR – Protected Area Management Office.
Noong Enero 21, isang (1) Philippine Long-tailed Macaque o Philippine Monkey (Macaca fascicularis philippensis), ang narekober sa Barangay Villa Libertad. Isinagawa ang operasyon bilang tugon sa tawag ng isang concerned citizen hinggil sa ilegal na pag-aalaga ng unggoy. Sa kasalukuyan, ang unggoy ay ligtas nang inilipat sa Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC) para sa rehabilitasyon at wastong pangangalaga.
Samantala, sa parehong petsa, habang nagsasagawa ng mobile patrol sa Barangay Teneguiban sa parehong munisipyo, natagpuan ng PCSDS Wildlife Enforcement Officers ang isang Pink-necked Green Pigeon (Treron vernans) o mas kilala sa tawag na “Punay” sa isang establisyimento. Ayon sa isang residente, ang ibon ay nailigtas matapos mabangga sa isang restawran. Matapos ang rescue operation, agad na pinakawalan ang nasabing ibon sa kanyang natural na tirahan.
Noong Enero 23 naman, isang Grey-faced Buzzard (Butastur indicus) o mas kilala sa tawag na “Sawi” ang boluntaryong naiturnover sa PCSDS matapos itong matagpuan na may sugat habang nagsasagawa ng Biodiversity Monitoring System activity ang DENR-PAMO sa Barangay Corong-corong, El Nido.
Dahil hindi pa ito makalipad, pansamantala itong isinailalim sa rehabilitasyon at pangangalaga ng mga awtoridad.
Binibigyang-diin ng PCSDS na bagama’t may mabuting intensyon ang ilang mamamayan sa pag-aalaga o pagsagip sa wildlife, ang pananatili ng mga ito sa pangangalaga ng tao—lalo na sa mahabang panahon—ay mas nakapipinsala kaysa nakatutulong.
Ang wildlife ay may partikular na pangangailangang hindi kayang matugunan sa loob ng tahanan ng tao.
𝐓𝐀𝐍𝐃𝐀𝐀𝐍:
Ang mga buhay-ilang ay nararapat manatili sa kanilang natural na tirahan. Hinihikayat ang publiko na agad i-report o i-turnover sa mga awtoridad ang anumang wildlife upang matiyak ang kanilang kaligtasan at ang patuloy na konserbasyon ng likas na yaman ng Palawan.
𝐏𝐂𝐒𝐃𝐒 𝐄𝐧𝐟𝐨𝐫𝐜𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐓𝐞𝐚𝐦 📱
Central – 09513208791
South – 09169546919
North – 09125753527
Calamian – 09076605619
