

Isang Night Heron (ππ¦ππ‘ππππππ₯ ππππππππππ’π ) ang matagumpay na naisalba mula sa posibleng panganib matapos itong matagpuan na tinatahulan ng mga aso sa tabi ng isang bahay sa Barangay San Manuel, Purok Bayanihan, nitong ika-19 ng Disyembre 2025.
Ayon kay Bb. Catherine Apellana, isang concerned citizen, bandang 1:00 ng hapon nang matagpuan ng kanyang anak ang nasabing ibon na napapaligiran at tinatahulan ng mga aso. Nang lapitan ito ng kanyang asawa, napag-alaman na ang Night Heron ay hindi makalipad at nananatili lamang sa gilid ng kanilang bahay.
Dahil sa pag-aalala sa kaligtasan ng ibon, agad na ipinaalam ni Bb. Apellana ang insidente sa kanilang barangay. Kasama si Bb. Cristina Banico, kaagad nilang isinilid ang Night Heron sa isang ligtas na cage upang maiwasan ang karagdagang pinsala.
Matapos ang paunang pagsagip, ang ibon ay dinala sa tanggapan ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) para sa wastong pangangalaga at kaukulang aksyon. Ito ay alinsunod sa kanilang kaalaman na ang naturang opisina ang tumatanggap ng wildlife turnover sa kanilang barangay.
Kaugnay nito, patuloy na pinaaalalahanan ng PCSDS ang lahat ng mamamayan na makiisa sa pagsagip at pangangalaga sa mga buhay-ilang sa Palawan. Kung makakita ng buhay-ilang na nasa delikadong sitwasyon, huwag mag-atubiling dalhin at makipag-ugnayan tanggapan ng PCSDS. Maaari ring magpadala ng mensahe sa Facebook page ng PCSDS upang agad at wasto itong matugunan.
PCSDS Enforcement Team
β’Central – 09513208791
β’South 09169546919
β’North – 09125753527
β’Calamian – 09076605619
