Isang Endangered Sunda Box Turtle, Iniligtas mula sa Kamay ng Panganib

by | Oct 10, 2025

Sa gitna ng isang abalang kalsada sa Pineda Socrates, Lungsod Puerto Princesa, natagpuan ng mag-amang Ordas ang isang Sunda Box Turtle noong Oktubre 7, 2025, sa lugar na pinaglalaruan ng mga bata na tila may layuning saktan ito.

Kuwento ni G. Ordas, mahinahon siyang nakiusap sa mga bata na hingiin ang pagong upang dalhin sa tanggapan ng Kawanihan ng Sangguniang Palawan para sa Patuloy na Pag-unlad (PCSDS). Ipinaliwanag naman niya umano na maaaring nangangailangan ito ng angkop na pangangalaga at atensiyong-medikal, kaya minabuti niyang dalhin ito sa tamang ahensiya. Sa katunayan, ito na ang ikalawang beses ng mag-ama na sumagip ng buhay-ilang patungo sa PCSDS. Sa ganitong paraan, nagdudulot umano ito ng kaligayahan para sa kanila tuwing nakagagawa sila ng kabutihan sa mga likas na yaman ng Palawan tulad ng pagong.

Ang Sunda Box Turtle o 𝘊𝘢𝘰𝘳𝘒 𝘀𝘰𝘢𝘳𝘰 ay kabilang na sa listahan ng Endangered Species, o mga buhay-ilang na nanganganib nang maubos sa ilalim ng PCSD Resolution No. 23-967. Bunga nito, patuloy na pinaaalalahanan ng PCSDS ang lahat ng mamamayan na maging katuwang sa pagsagip at pangangalaga sa mga buhay-ilang ng Palawan. 

Sakaling may matagpuang buhay-ilang na nasa delikadong sitwasyon, huwag mag-atubiling dalhin ito sa tanggapan ng PCSDS, o kaya naman ay makipag-ugnayan sa Wildlife Rescue Team sa numerong 0931 964 2128 /Β  0965 662 0248, at maaari ding magpadala ng mensahe sa Facebook Page ng PCSD para sa agaran at tamang aksiyon.