Isang Blue-Naped Parrot (๐๐ข๐ฏ๐บ๐จ๐ฏ๐ข๐ต๐ฉ๐ถ๐ด ๐ญ๐ถ๐ค๐ช๐ฐ๐ฏ๐ฆ๐ฏ๐ด๐ช๐ด) o mas kilala bilang โPikoy” ang nai-turn over ni Loriejane Palanca (Loriejane) sa Palawan Council for Sustainable Development noong ika-24 ng Oktubre, taong 2022. Nagmula pa sa Poblacion, Narra, Palawan ang pamilya ni Loriejane.
Ayon sa salaysay ni Loriejane, nangyari ang insidente isang linggo na ang nakaraan, araw ng Lunes, ika-17 ng Oktubre. Una nilang nakita ang Parrot sa bubong ng kanilang kapitbahay. Maya-maya diumano ay lumipad ito patungo sa kanilang bintanang gawa sa salamin. Sa kasamaang palad, ito ay bumagsak dala ng pagka umpog nito sa kanilang bintana. Upang mapangalagaan ang ibon, agad na nagsaliksik ang kanilang pamilya ng mga pwedeng ipakain dito.
Naisip ni Loriejane na dalhin ang Parrot sa opisina ng PCSD sa kadahilanang ayon sa kanyang pananaliksik, napag alaman niya na ipinagbabawal ang pag-aalaga sa nasabing ibon. Kung gayon, napag desisyunan ng kanilang pamilya na i-biyahe ang ibon mula Narra patungo sa Puerto Princesa.
Ang nasabing Parrot ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center.
Nakalista ang Blue-Naped Parrot bilang โcritically endangered speciesโ sa ilalim ng PCSD Resolution No. 15-521.
Hinihimok ng PCSDS ang ating kababayan na nagkataong nakakita o nakahuli ng buhay ilang na mangyari po lamang na i-turn over sa aming tanggapan o hindi kaya ay tumawag sa aming hotlines sa pamamagitan ng mga numero ng PCSDS Wildlife Enforcement Unit (WEU) na 09319642128 (TNT) at 09656620248 (TM) o sa pamamagitan ng mga numero ng hotline ng PCSDS Front Desk na 0935-116-2336 (Globe/TM) at 0948-937-2200 (Smart/TNT). Maaari ka ring magpadala ng mensahe sa aming Facebook page para sa iyong mga alalahanin.