Ilegal na Troso, Narekober sa Bayan ng Roxas, Palawan

by | Dec 23, 2025

Kabuuang 583.9 board feet ng iba’t ibang uri ng troso ang narekober noong Disyembre 22, 2025, bandang 4:30 ng hapon, sa gilid ng kalsada malapit sa Ocean Park Restaurant, Brgy. Malcampo, Roxas, Palawan.

Katuwang ang mga kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), agad na rumesponde ang PCSDS WTMU Roxas matapos makatanggap ng ulat mula sa Peace and Security- Cluster- Provincial Government of Palawan (PSC- PGP) Environmental Monitoring Team tungkol sa presensya ng mga kahina-hinalang troso sa lugar.

Sa isinagawang inspeksyon, namataan ang ilang uri ng kahoy kabilang ang Curayan, Ipil, Kamagong, at mga tablang kahoy ng mangga.

Walang umamin sa pagmamay-ari ng mga troso kaya’t agad itong kinumpiska at dinala sa DENR-CENRO para sa wastong kustodiya at dokumentasyon.

Inaanyayahan ang publiko na makilahok sa mga programang nagkokonserba sa ating kalikasan. Kung kayo ay may kaalaman tungkol sa anumang uri ng ilegal na gawain sa inyong lugar, huwag mag-atubiling i-report ito.

𝐌𝐚𝐤𝐢𝐩𝐚𝐠-𝐮𝐠𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐂𝐒𝐃𝐒 𝐄𝐧𝐟𝐨𝐫𝐜𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐓𝐞𝐚𝐦:
📱𝐂𝐞𝐧𝐭𝐫𝐚𝐥: 09513208791
📱𝐒𝐨𝐮𝐭𝐡: 09169546919
📱𝐍𝐨𝐫𝐭𝐡: 09125753527
📱𝐂𝐚𝐥𝐚𝐦𝐢𝐚𝐧: 09076605619

#IllegalLogging #ForestProtection #Inspection #DENR #PCSDS #RoxasPalawan #Palawan