IMG_9493

Iba’t ibang wildlife species, nakuha sa Sheridan Farm

Iba’t ibang wildlife species ang kinumpiska at ni-rescue ng Provincial Law Enforcement Task Force (PLETF) sa Sheridan Farm sa Sitio Sugod II, Bgy. Cabayugan, Puerto Princesa City nitong Agosto 23.

Ang nasabing mga threatened wildlife species ay ang sumusunod: Hill Mynah, 3 heads; Palawan Bearcat, 1 head; Porcupine, 2 heads; Wild Dove, 2 heads; Palawan Pheasant Peacock, 3 heads, at Palawan Bearded Pig, 1 head.

Ikinasa ang operasyon matapos ipagbigay-alam sa PCSD Staff District Management Office (DMO) Central na walang permit para mangolekta at mag-alaga ng kahit anong wildlife species ang Sheridan Farm na nirerepresenta ni Joseph Tan at pinamamahalaan nina Michael Villegas, resident manager at Anastacio Ocampo Angeles, ang mismong farm manager.

Nabatid din na makailang beses na umanong napagsabihan ng PCSDS DMO Central ang mga kinatawan ng Sheridan Farm na kumuha ng kaukulang permit para sa mga nabanggit na buhay-ilang upang legal na makapag-operate ang kanilang mini-zoo, ngunit wala umanong aksyon na ginawa ang management ng Sheridan.

“This shows a clear manifestation of negligence on their part and lack of interest in securing the proper permits for their wildlife species,” ayon sa post-operation report ng PCSDS Enforcement Team.

Kasalukuyang inihahanda ng PCSDS ECAN Regulation and Enforcement Division ang kaukulang kasong maaaring isampa sa mga nabanggit na personalidad bilang paglabag sa R.A. 9147 o ang Wildlife Act.

Ang operasyon ay ikinasa sa tulong ng pinagsanib na pwersa ng PCSDS Enforcement Team at Bantay Palawan Task Force, katuwang ang U2 ng Western Command, Kabayan Action Group at Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center. – K.A.S. FABRO

0 replies

Leave a Reply

Want to join the discussion?
Feel free to contribute!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *