Dalawang (2) yunit ng hindi rehistradong chainsaw ang kinumpiska matapos maaktuhang ginagamit nang walang kaukulang permit noong Enero 8, 2026, sa mga barangay ng El Nido.

Ang operasyon ay isinagawa ng PCSDS—Wildlife Enforcement Team sa Barangay Teneguiban at Barangay San Fernando bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng batas laban sa ilegal na paggamit ng chainsaw. Sa isinagawang enforcement operation bandang hapon, naaktuhan ng mga awtoridad ang paggamit ng mga chainsaw sa magkahiwalay na lugar.

Ang paggamit ng chainsaw nang walang rehistro at pahintulot mula sa PCSD ay isang malinaw na paglabag sa Republic Act No. 9175 o Chainsaw Act of 2002. Dahil dito, agad na kinumpiska ang mga nasabing kagamitan at isinailalim sa pansamantalang kustodiya ng mga umarestong opisyal para sa wastong disposisyon alinsunod sa umiiral na mga batas at regulasyon.

Inaanyayahan ang publiko na makiisa sa pangangalaga ng kalikasan. Kung kayo ay may kaalaman tungkol sa anumang uri ng ilegal na gawain sa inyong lugar, huwag mag-atubiling i-report ito.

PCSDS Enforcement Team 📱
Central – 09513208791
South – 09169546919
North – 09125753527
Calamian – 09076605619