Dolphin na napadpad sa dalampasigan ng Barangay Simpokan, ligtas
Magkakatuwang na sinagip ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS), Coast Guard District Palawan, mga residente at ng barangay ang isang Rough-Toothed Dolphin na napadpad sa isang dalampasigan sa Barangay Simpokan, lungsod ng Puerto Princesa nitong ika-5 ng Agosto, taong 2024.
Natanggap ng team ang ulat pasado alas tres ng hapon (3:00 pm), habang 6:30 ng hapon naman nang tuluyan itong madala sa malalim na parte ng dagat.
Ang nasabing buhay-ilang ay may habang 240 cm. Wala ring sugat ang nakita dito.
Base sa PCSD Resolution No. 23-967, ang Rough-Toothed Dolphin ay mayroon nang conservation status na Endangered Species.
Sakaling mayroong mapag-aalamang buhay-ilang na kinakailangang sagipin ng mga otoridad, mangyaring magbigay lamang ng ulat sa aming mga numerong 09319642128 (TNT) o sa 09656620248 (Globe). Maaari din kayong mag-iwan ng mensahe sa Facebook page na ito para sa agarang aksyon.