Nasa pangangalaga na ng Palawan Wildlife Rescue and Conversation Center (PWRCC) ang female sub-adult na buwayang na-trap sa isang baklad na pagmamay-ari ni Julius Rodriguez, residente sa Jacana, Purok Masikap, Barangay Bancao-bancao, lungsod ng Puerto Princesa nitong Biyernes, ika-19 ng 2023.
Ang naturang salt-water crocodile ay mayroong habang 169.5 cm at tinatayang nasa limang taong gulang na.
Base sa ulat ng Wildlife Rescue team ng PCSDS, matapos na matanggap ang impormasyon ukol dito, ay agad silang tumungo sa lugar upang rumespundi katuwang ang DENR, PWRCC, at PCG.
Base rin sa pagsusuri ng team ngayong araw ng Sabado, maaaring napadaan lamang ang buwaya sa lugar gayong hindi angkop ang lugar upang panirahan nito. Posible rin umanong umalis ito sa pinanggalingan nitong lugar upang makaiwas sa mga kapwa nito gayong ang buwan ng Mayo ay pasok sa kanilang breeding season.
Samantala, nananawagan ang PCSDS na sakaling maka-encounter ng ganito o ano pa mang uri ng buhay-ilang ay ipagbigay-alam ito sa tanggapan sa pamamagitan ng mga numero bilang 09319642128 (Smart) at 09656620248 (Globe)
Photo credits: Philippine Coast Guard (PCG)