Apat na indibidwal sa bayan ng El Nido, huli sa paglabag ng patakarang Closed Season sa ilalim ng PCSD Administrative Order No. 5

by | Mar 24, 2023

23 MARSO 2023; EL NIDO, Palawan-Dalawampu’t dalawang (22) kahon na may lamang apatnapu’t limang (45) Live Reef-fish-for-Food (RFF) Tiger Grouper (Lapung Baboy) ang nakumpiska sa ikinasang regulatory inspection ng Palawan Council for Sustainable Development Staff – Wildlife Trafficking Monitoring Officers (PCSDS-WTMO) sa Lio Airport Cargo Area, El Nido, Palawan. Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-transport ng mga Live RFF sa loob ng Closed Season (1 Marso-31 Mayo) sa ilalim ng PCSD Administrative Order No. 5. 

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng PCSDS ang mga nasabing isda. Inihahanda na ang kaso laban sa mga tao sa likod ng paglabag na PCSD Administrative Order No. 5.

Mariing pinapayuhan ng PCSDS ang sinuman na nakakaalam ng anumang iligal na aktibidad kaugnay ang wildlife species na agad na magbigay ulat o tumawag sa  PCSDS Wildlife Enforcement Unit (WEU) hotline (TNT) 09319642128 at (TM) 09656620248, o sa PCSDS Front Desk hotline (Globe/TM) 0935-116-2336 at (Smart/TNT) 0948-937-2200. Maaari ring magpadala ng mensahe sa aming Facebook page.