πˆπ’π€ππ† π’πŽπ”π“π‡π„π€π’π“ π€π’πˆπ€π ππŽπ— 𝐓𝐔𝐑𝐓𝐋𝐄, πˆππˆππˆπ†π€π˜ 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐂𝐒𝐃𝐒

by | Nov 10, 2022

Isang Southeast Asian Box Turtle ang ibinigay ng concerned citizen sa pangangalaga ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS), hapon ng ika-9 ng Nobyembre, taong kasalukuyan.

Ang naturang personalidad ay kinilala bilang si Joecarl Cantor, residente ng Barangay San Jose, Puerto Princesa City. Ayon sa kanyang salaysay, nangyari ang insidente nitong nagdaang linggo. Ayon pa sa kanya, nakuha umano ang kanyang atensyon ng tahol ng aso mula sa kanilang likod-buhay. Nang kanyang puntahan ang lugar kung saan nagmula ang ingay, napansin niya ang nakataob na pagong sa lupa. Tumamo ito ng ilang kagat mula sa aso. Hindi ito ang unang beses na nakatagpo siya ng ligaw na pagong. Dagdag pa rito, hindi lingid sa kanyang kaalaman na ang pagong ay isang endangered species. Kung kaya’t alam niya na na dapat itong iturn-over sa kinauukulan ayon na rin sa payo ng kanyang malapit na kaibigang mula sa DENR.

Dahil sa pagiging abala sa kanyang negosyo, hindi agad na naidala ni Cantor ang nasabing pagong sa tanggapan ng PCSDS. Ngunit habang ito ay nasa kanyang aruga, inalagaan niya ito at binigyan ng makakain at nilaanan ito ng pansamantalang tirahan.Β 

Ang natukoy na pagong ay may haba na 17cm, lapad na 12cm at bigat na 559 grams. Samantala, dinala naman ito sa Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC) upang masuri ng veterinarian at para sa patuloy na paggaling nito.

Ang Southeast Asian Box Turtle ay nakatalang β€œEndangered” species sa ilalim ng PCSD Resolution No. 15-521.

Hinihimok ng PCSDS ang ating kababayan na nagkataong nakakita o nakahuli ng buhay ilang na mangyari po lamang na i-turn over sa aming tanggapan o hindi kaya ay tumawag sa aming hotlines sa pamamagitan ng mga numero ng PCSDS Wildlife Enforcement Unit (WEU) na 09319642128 (TNT) at 09656620248 (TM) o sa pamamagitan ng mga numero ng hotline ng PCSDS Front Desk na 0935-116-2336 (Globe/TM) at 0948-937-2200 (Smart/TNT). Maaari ka ring magpadala ng mensahe sa aming Facebook page para sa iyong mga alalahanin.