Enero 24, 2026 | Rizal, Palawan – Sanib-puwersang operasyon ang isinagawa ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) – Wildlife Enforcement Team South, katuwang ang Provincial Government of Palawan sa pamamagitan ng Peace and Security Cluster at mga opisyal ng Barangay Taburi, sa Sitio Mangahan, Barangay Taburi, Rizal, Palawan.
Narekober ang mga tinistis na tabla ng Apitong na pinaniniwalaang mula sa ilegal na pagputol ng troso at natagpuang nakaimbak sa baybaying bahagi ng lugar. Kabuuang labimpitong (17) piraso ng tabla, na may tinatayang bolyum na humigit-kumulang 405 board feet, ang nakumpiska.
Walang indibidwal na naabutan sa lugar, at sa isinagawang beripikasyon sa mga kalapit na residente, walang umaming may-ari o may kaalaman sa pinanggalingan ng mga produktong-gubat. Ang mga nakumpiskang tabla ay pansamantalang isinailalim sa kustodiya ng Barangay Taburi matapos ang wastong pagmamarka at dokumentasyon.
Kung may impormasyon tungkol sa mga kahina-hinalang gawain na may kaugnayan sa mga buhay-ilang ay i-report sa PCSDS Enforcement Team:
Central – 0951 320 8791
South – 0916 954 6919
North – 0912 575 3527
Calamian – 0907 660 5619




