๐—ง๐—ฎ๐˜๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ธ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ ๐—™๐—ถ๐—ป๐˜€, ๐—ก๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ผ๐—ฟ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐˜†๐˜๐—ฎ๐˜†

by | Feb 18, 2026

๐—ฃ๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿณ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ง๐—ฎ๐˜†๐˜๐—ฎ๐˜†, ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป โ€” Nasabat ng Palawan Council for Sustainable Development Staff โ€“ District Management Division North (PCSDSโ€“DMD North), katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) at Municipal Agriculture Office (MAO) ng Taytay, ang tatlong sako ng kargamento ng pinatuyong shark fins sa pantalan ng Barangay Poblacion, Taytay.

Bandang alas-5 ng hapon ng Pebrero 17 nakatanggap ng ulat ang PCSDS hinggil sa umanoโ€™y wildlife shipment. Sa isinagawang inspeksyon, natagpuan ang dalawang (2) bahagyang bukas na sako at isa pang sako na ibinababa mula sa bangkang mula umano sa Cuyo, Palawan at pansamantalang dumaong sa Taytay. Ang tatlong sako ay naglalaman ng hinihinalang tuyong shark fins. Nabigong makapagpakita ng anumang kaukulang dokumento o permit ang mga sangkot sa pagdadala ng mga ito kaya agad na kinumpiska ang kargamento.

Sa imbentaryo, umabot sa kabuuang walong daan at walumpuโ€™t pitong (887) piraso ng tuyong shark fins ang natuklasan sa loob ng tatlong sako. Sa tulong ng isang marine wildlife specialist ng Large Marine Vertebrates Research Institute Philippines (LAMAVE), nakumpirmang kabilang ang mga ito sa mga uri ng pating na nakalista bilang endangered species sa ilalim ng PCSD Resolution No. 23-967 at Appendix II ng Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora (CITES).

Bilang endangered species, tanging para sa lehitimong pananaliksik at regulated farming lamang maaaring payagan ang pag-aalaga o paggamit nito, at hindi para sa koleksyon at direktang komersyal na layuninโ€”kabilang na ang pagkuha at pangangalakal ng mga byโ€‘products gaya ng shark fins. Dahil dito, malinaw na hindi pinahihintulutan ang naturang kargamento sa ilalim ng Republic Act No. 9147 at mga kaugnay na regulasyon. Ang bangkang gagamitin sana sa pagbiyahe ay kasalukuyang nasa kustodiya ng MAO ng Taytay.

Ang mga nakumpiskang shark fins ay nasa pangangalaga ngayon ng PCSDSโ€“DMD North at nakatakdang i-turnover sa Evidence Custodian para sa wastong disposisyon.

๐“๐€๐๐ƒ๐€๐€๐:

Pinapaalalahanan ng PCSDS ang publiko na ang pagkuha, pagdadala, pag-iimbak at pakikipagkalakalan ng mga threatened at endangered species at ng anumang bahagi ng mga ito ay mahigpit na ipinagbabawal. Hinihikayat ang lahat na agad ipagbigay-alam ang anumang impormasyon o kahina-hinalang gawain na may kinalaman sa buhayโ€‘ilang at kapaligiran sa pamamagitan ng mga sumusunod na numero:

๐๐‚๐’๐ƒ๐’ ๐„๐ง๐Ÿ๐จ๐ซ๐œ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐“๐ž๐š๐ฆ

Central โ€“ 09513208791

South โ€“ 09169546919

North โ€“ 09125753527

Calamian โ€“ 09076605619