𝗣𝘆𝗴𝗺𝘆 𝗞𝗶𝗹𝗹𝗲𝗿 𝗪𝗵𝗮𝗹𝗲, 𝗡𝗮𝘁𝗮𝗴𝗽𝘂𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘁𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗦𝗮𝗻 𝗠𝗮𝗻𝘂𝗲𝗹, 𝗜𝘀𝗶𝗻𝗮𝗶𝗹𝗮𝗹𝗶𝗺 𝘀𝗮 𝗡𝗲𝗰𝗿𝗼𝗽𝘀𝘆

by | Sep 21, 2026

𝗦𝗲𝘁𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟭𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗣𝘂𝗲𝗿𝘁𝗼 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗲𝘀𝗮 𝗖𝗶𝘁𝘆, 𝗣𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻 — Isang Pygmy Killer Whale (𝘍𝘦𝘳𝘦𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘵𝘦𝘯𝘶𝘢𝘵𝘢) ang natagpuang patay sa Sitio Baringbing, Barangay San Manuel, Puerto Princesa City.

Nakatanggap ang tanggapan ng PCSDS ng impormasyon bandang 9:21 ng umaga mula sa isang opisyal ng barangay hinggil sa natagpuang marine mammal sa nasabing lugar.

Agad na nagtungo ang PCSDS Wildlife Rescue Team upang tingnan ang kondisyon nito. Sa pakikipag-ugnayan sa

Barangay San Manuel, Large Marine Vertebrates Research Institute Philippines (LAMAVE), at Philippine Coast Guard (PCG), isinagawa ang retrieval at dinala ang specimen sa Operations Center (OPEN) sa Barangay Irawan para sa necropsy at tamang disposisyon.

Sa isinagawang necropsy na pinangunahan ni Dr. Alejandro Ponzo ng LAMAVE, napag-alamang lubhang payat ang Pygmy Killer Whale at manipis ang blubber nito. May nakita ring ilang parasite sa iba’t ibang bahagi ng katawan, kabilang ang baga, atay, at bato. Mayroon ding humigit-kumulang tatlong marka ng kagat ng Cookiecutter shark sa bahagi ng leeg.

May nakita ring bula at congestion sa trachea at baga, habang walang laman ang tiyan at bituka.

Gayunman, batay sa mga nakita sa necropsy, hindi natukoy ang tiyak na sanhi ng pagkamatay. Posibleng may kaugnayan sa pagkalunod ang bula sa baga, ngunit hindi ito makumpirma bilang sanhi ng pagkamatay. Hindi rin itinuring na sanhi ng pagkamatay ang mga marka ng kagat ng Cookiecutter shark.

Isinagawa ang kinakailangang dokumentasyon at tamang disposisyon ng specimen alinsunod sa kaukulang pamamaraan para sa mga kaso ng pagkamatay ng marine mammal.

𝐓𝐀𝐍𝐃𝐀𝐀𝐍:

Hinihikayat ang publiko na agad i-report sa mga kinauukulang awtoridad ang mga wildlife na natatagpuang patay, sugatan, o nangangailangan ng tulong upang maisagawa ang tamang paghawak, pagsusuri, dokumentasyon, at disposisyon ng mga ito.

𝐏𝐂𝐒𝐃𝐒 𝐄𝐧𝐟𝐨𝐫𝐜𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐓𝐞𝐚𝐦 📱

Smart / Sun: 09319642128

Globe: 09169646919

Landline: 048 – 726-6627