๐ฃ๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐ฒ๐ฟ๐ผ ๐ญ๐ฎโ๐ญ๐ฏ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐ฆ๐ผ๐๐๐ต๐ฒ๐ฟ๐ป ๐ฃ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป โ Ilang wildlife at dalawang (2) chainsaw unit ang nakumpiska sa isinagawang dalawang araw na enforcement at patrolling operation ng PCSDS Enforcement South Team at Special Operations Team katuwang ang Peace and Security Cluster, Western Naval Command, at 2MSOU PNP-MG.
Noong Pebrero 12, isang (1) Palawan Hill Mynah ang boluntaryong naiturnover sa Brgy. Malatgao, Quezon. Sa Brgy. Bunog, Rizal, isang Reticulated Python ang isinuko sa mga awtoridad. Nang sukatin, natuklasang patay na ito at tinatayang may habang 12.2 talampakan at bigat na 16 kilo bago maayos na inilibing. Sa pamilihan ng Brgy. Punta Baja, Rizal, nakumpiska rin ang dalawang (2) Palawan Hill Mynah at isang (1) Philippine Long-tailed Macaque.
Noong Pebrero 13, habang nagpapatrolya mula Rizal patungong Bataraza, dalawang (2) chainsaw ang nakumpiska sa magkahiwalay na barangay matapos mabigong magpakita ng kaukulang permit ang mga may-ari, alinsunod sa Republic Act No. 9175 o โChainsaw Act of 2002.โ Sa pagbabalik ng team, naitala pa ang turnover ng isang (1) Palawan Hill Mynah sa Rizal at dalawang (2) Philippine Long-tailed Macaque sa Quezon at Narra.
Ang lahat ng buhayโilang ay ligtas na naiturnover sa Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC) para sa wastong pangangalaga at rehabilitasyon, habang ang mga nakumpiskang chainsaw ay isinailalim sa kinakailangang dokumentasyon at tamang proseso.
Binibigyang-diin ng PCSDS at mga katuwang na ahensya na mahalaga ang pakikiisa ng komunidad sa pag-turnover ng wildlife at sa pagsunod sa batas sa paggamit ng chainsaw, upang maprotektahan ang kagubatan at natatanging likas-yaman ng Palawan.
๐ง๐๐ก๐๐๐๐ก: Ang mga buhay-ilang ay nararapat manatili sa kanilang natural na tirahan. Hinihikayat ang publiko na agad i-report o i-turnover sa mga awtoridad ang anumang wildlife o kahina-hinalang paggamit ng chainsaw. Para sa agarang ulat at koordinasyon, makipag-ugnayan sa:
๐๐๐๐๐ ๐๐ง๐๐จ๐ซ๐๐๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐๐๐ฆ
Central โ 09513208791
South โ 09169546919
North โ 09125753527
Calamian โ 09076605619












