El Nido, Palawan — Isang Long-tailed Macaque ang matagumpay na nailigtas ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) at Protected Area Management Office (PAMO) ng DENR sa Fisherman Restaurant, Nacpan Beach, Brgy. Bucana, noong Enero 28, 2026.

Nabatid na ang nasabing matsing ay nasa poder ng isang residente ng Quarry Tagbak, San Jose, Antipolo City, na kamakailan lamang naninirahan sa El Nido. Ayon sa imbestigasyon, binili niya ang hayop dalawang buwan na ang nakalilipas sa halagang โ‚ฑ1,000 mula sa isang security guard ng isang lokal na resort na umanoโ€™y babalik na sa Bataraza.

Dahil sa kawalan ng anumang legal na dokumento o kaukulang permit, haharap ang indibidwal sa paglabag sa Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act, na mahigpit na nagbabawal sa pagkuha, pag-aari, at pagbebenta ng wildlife nang walang pahintulot.

Dahil dito, agad na isinagawa ang pagsamsam sa Long-tailed Macaque at isinailalim ito sa kustodiya ng mga awtoridad. Kabilang na rin ito sa listahan ng mga “Endangered Species” o mga buhay-ilang na nanganganib nang maubos, alinsunod sa PCSD Resolution No. 23-967.

Kasalukuyan itong inaalagaan at ihahanda para sa paglilipat sa Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC) kung saan isasailalim ito sa pagsusuri, rehabilitasyon, at tamang pangangalaga bago muling maibalik sa natural nitong tirahan kung ito ay maituturing pang angkop ng mga eksperto.

Pinaalalahanan ng PCSDS at DENR ang publiko na ang buhay-ilang tulad ng Long-tailed Macaque ay hindi dapat gawing alaga. Bukod sa ilegal, nagdudulot ito ng pinsala sa ‘ecological balance’ at panganib sa kanilang buhay. Hinihikayat din ang komunidad na iulat kaagad ang anumang ilegal na aktibidad sa buhay-ilang sa PCSDS-Wildlife Rescue Team o sa opisyal na Facebook Page ng PCSD para sa agarang aksiyon.

Narito ang mga numero ng PCSDS-Enforcement Team:

Central โ€“ 0951 320 8791

South โ€“ 0916 954 6919

North โ€“ 0912 575 3527

Calamian โ€“ 0907 660 5619