Enero 22, 2026 | San Vicente, Palawan – Narekober ng mga awtoridad ang iba’t ibang ipinagbabawal na yamang-dagat sa Barangay Poblacion, San Vicente.
Sa isinagawang beripikasyon, narekober ang 26 na buhay na oversized Red Suno, isang buhay na Mameng, tatlong buhay na Panther Grouper, at iba’t ibang patay na korales. Isinailalim ang mga ito sa wastong pagsusukat at dokumentasyon.
Ang mga buhay na isda ay ligtas na pinakawalan sa isang Marine Protected Area (MPA) bilang bahagi ng mga hakbang sa konserbasyon ng yamang-dagat.
𝗧𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡:
Ang pagdadala at pagmamay-ari ng mga wildlife species, lalo na ang mga isda sa bahura na saklaw ng Administrative Order No. 5 (AO 5) at Administrative Order No. 12 (AO 12), ay nangangailangan ng kaukulang permit upang matiyak ang pangmatagalang kalusugan ng yamang-dagat ng Palawan.
Muling inaanyayahan ang publiko na makiisa sa pangangalaga ng ating karagatan at i-report ang anumang ilegal na gawain laban sa kalikasan.
𝐏𝐂𝐒𝐃𝐒 𝐄𝐧𝐟𝐨𝐫𝐜𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐓𝐞𝐚𝐦 📱
Central – 09513208791
South – 09169546919
North – 09125753527
Calamian – 09076605619




