

Noong Enero 21, 2026, nagsagawa ng patrol operation ang WEO Team North at Central, kasama ang suporta ng Provincial Government of Palawan – Peace and Security Cluster sa Bucana Proper, Brgy. Bucana, El Nido.
Habang nagpapatrolya, napansin ng PCSDS Enforcement Team ang isang chainsaw na nakadisplay sa isang pandayan sa lugar. Matapos ang masusing beripikasyon, narekober ang chainsaw dahil sa ilegal na pagmamay-ari, na labag sa R.A. 9175 o Chainsaw Act of 2002.
Ipinaalala sa may-ari ng pandayan ang mga probisyon ng batas. Ang chainsaw unit ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng PCSDS Evidence Custodian para sa wastong disposisyon.
Inaanyayahan ang publiko na makiisa sa pangangalaga ng kalikasan. Kung kayo ay may kaalaman tungkol sa anumang uri ng ilegal na gawain sa inyong lugar, huwag mag-atubiling i-report ito.
𝐏𝐂𝐒𝐃𝐒 𝐄𝐧𝐟𝐨𝐫𝐜𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐓𝐞𝐚𝐦
Central – 09513208791
South – 09169546919
North – 09125753527
Calamian – 09076605619
