๐๐ด๐ผ๐๐๐ผ ๐ญ๐ฎโ๐ญ๐ฐ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐๐๐บ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป, ๐ฃ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป โ Sa pamamagitan ng tatlong araw na Capability Enhancement of Relevant Agencies Training ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS), mas pinalawak ng mga kinatawan ng lokal na pamahalaan at ibaโt ibang sektor ng Dumaran ang kanilang kaalaman tungkol sa Environmentally Critical Areas Network (ECAN), mga tungkulin ng ECAN Board, at wastong paggamit ng ECAN zoning sa pagpaplano at pamamahala ng kanilang likas-yaman.
Nagbigay ang pagsasanay ng pagkakataon sa mga kalahok na talakayin ang mga batas at patakarang gumagabay sa kanilang mga tungkulin, gayundin ang kahalagahan ng siyentipikong datos at lokal na kalagayan sa paggawa ng mga desisyong may kaugnayan sa konserbasyon at pag-unlad. Bahagi rin ng talakayan ang kahalagahan ng pangangalaga sa mga natitirang tirahan ng buhay-ilang sa Dumaran Island Critical Habitat (DICH), ang kauna-unahang critical habitat sa Palawan.
Bilang bahagi ng kanilang field activity, nagtungo ang mga kalahok sa Sitio Omoi, Barangay Poblacion, upang suriin ang kondisyon ng kagubatan at tukuyin ang mga palatandaan ng pagkasira nito. Kabilang dito ang kaingin, land conversion, at invasive plant species, na maaaring makaapekto sa mga natitirang kagubatan at sa mga buhay-ilang na umaasa rito, kabilang ang Palawan Hornbill, Philippine Cockatoo, Palawan Pangolin, at Palawan Forest Turtle.
Lumahok sa pagsasanay ang mga kinatawan mula sa ECAN Board, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), mga barangay, Sangguniang Kabataan (SK) Federation, Womenโs Association, Katala Foundation, Inc. (KFI), at World Wide Fund for Nature (WWF). Isinagawa ang aktibidad bilang tugon sa resulta ng Training Needs Assessment (TNA) na isinagawa noong Setyembre 2025.






















