
𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟭𝟱, 𝟮𝟬𝟮𝟱 – Nagtipon ang mga kawani ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) upang ipagdiwang ang 125th Civil Service Anniversary sa pamamagitan ng isang tree growing activity. Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang dibisyon ng PCSDS, na nagbigay-diin sa kanilang pangako sa pangangalaga ng kalikasan at sustainable development.
Kasabay nito, nagkaroon din ng maikling programa upang ipagdiwang ang galing ng bawat kawani ng PCSDS. Sa pamamagitan ng mga palaro, nagkaroon ng pagkakataon na ipamalas ng mga empleyado ang kanilang pagkakaisa, talino, at galing. Ang masayang programa ay naglayong palakasin ang samahan ng mga kawani PCSDS, na nagtutulungan para sa mas makabuluhang serbisyo publiko.
#PCSD #PCSDS #125thCivilServiceAnniversary #SustainableDevelopment #LingkodBayani



















