
Noong Huwebes, Setyembre 25, 2025, tatlong indibidwal ang nag-turn over ng isang Asian Palm Civet (๐๐ข๐ณ๐ข๐ฅ๐ฐ๐น๐ถ๐ณ๐ถ๐ด ๐ฉ๐ฆ๐ณ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ฉ๐ณ๐ฐ๐ฅ๐ช๐ต๐ถ๐ด) na mas kilala sa mga lokal na na tawag na alamid, musang, o pasla, sa Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS).
Ayon kina G. Mike Kevin Cuya, Gng. Nonalle Aralar, at Gng. Norma Aralar, noong mapansing ilang beses nang bumabalik sa kanilang kisame ang buhay-ilang ay naglagay sila ng trap upang ito ay mahuli at madala sa nabanggit na ahensiya.
Bagamaโt nakatala bilang โLeast Concernโ sa IUCN Red List of Threatened Species, ang Asian Palm Civet ay may mahalagang papel sa kagubatan bilang seed disperser, lalo na ng mga punong namumunga.
Tiniyak ng PCSDS na nasa maayos na kalagayan ang civet cat. Nakatakda itong ibalik sa likas nitong tirahan sakaling magbigay na ng clearance ang in-house veterinarian ng PCSDS.
Hinihikayat ng PCSDS ang mga mamamayan na kung makatagpo ng buhay-ilang, ay hayaang manatili ito sa kanyang natural na tirahan. Subalit kung ang naturang hayop ay nasa panganib, maaari lamang itong i-turn over sa aming tanggapan o humingi ng tulong sa pamamagitan ng pagtawag sa mga hotline: PCSDS Wildlife Enforcement Unit (WEU) sa 09319642128 (TNT) at 09656620248 (TM), o sa PCSDS Front Desk hotline sa 0935-116-2336 (Globe/TM) at 0948-937-2200 (Smart/TNT).



