๐—”๐—ต๐—ฎ๐˜€โŸ ๐—ก๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ฝ ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐˜‚๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ผ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐˜€๐—ฎ

by | Sep 18, 2026

๐—ฃ๐—จ๐—˜๐—ฅ๐—ง๐—ข ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—–๐—˜๐—ฆ๐—” ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌโŸ ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป โ€” Matagumpay na nasagip at naibalik sa natural na tirahan ang isang Rat Snake matapos itong mamataan sa Tonieโ€™s Mart Mall sa Barangay Matahimik, Poblacion, Puerto Princesa City noong Setyembre 13, 2026.

Ayon sa ulat ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS), natanggap ang sumbong bandang 4:29 ng hapon hinggil sa presensiya ng ahas sa nasabing lugar.

Agad na nakipag-ugnayan ang Wildlife Rescue Team (WRT) upang tiyakin ang ulat at malaman ang kinaroroonan ng ahas na naipit umano sa isang makitid na espasyo sa tabi ng bahay.

Sa pagdating naman PCSDS Wildlife Enforcement Team, isinagawa ang paunang pagsusuri upang matagumpay na masagip ang kalagayan ng ahas.

Kasunod nito, nagsagawa rin ang pangkat ng maikling Information, Education, and Communication (IEC) activity para sa mga indibidwal na naroon. Ipinaalala sa kanila na huwag gambalain o tangkaing hawakan ang mga ahas at agad na iulat sa kinauukulang awtoridad ang mga kahalintulad na insidente.

Nakipag-ugnayan din ang pangkat kay Dr. Glenn Rebong, on-call veterinarian ng Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC), para sa pagsusuri sa kondisyon ng ahas. Batay sa kaniyang assessment, maayos ang kalagayan nito at maaari nang pakawalan nang hindi na nangangailangan ng pansamantalang pangangalaga o rehabilitasyon.

๐—ง๐—”๐—ก๐——๐—”๐—”๐—ก:

Hinihikayat ang publiko na huwag balewalain ang mga wildlife na natatagpuang sugatan, nanganganib, o nangangailangan ng tulong. Sa halip, agad itong i-report o i-turnover sa mga kinauukulang awtoridad upang mabigyan ng wastong pangangalaga at kinakailangang tulong.

๐—ฃ๐—–๐—ฆ๐——๐—ฆ ๐—˜๐—ป๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—ฐ๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—บ:

Central โ€“ 09319642128

South โ€“ 09169546919

North โ€“ 09125753527

Calamian โ€“ 09076605619