๐’๐ฎ๐ ๐š๐ญ๐š๐ง๐  ๐€๐ ๐ข๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ซ๐ซ๐š, ๐๐š๐ข๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ ๐š๐ญ ๐๐š๐ค๐š๐ญ๐š๐ค๐๐š๐ง๐  ๐ˆ๐›๐š๐ฅ๐ข๐ค ๐ฌ๐š ๐๐š๐ญ๐ฎ๐ซ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐“๐ข๐ซ๐š๐ก๐š๐ง

by | Dec 11, 2025

Isang sugatang Crested Serpent Eagle (๐˜š๐˜ฑ๐˜ช๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ด ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ข) ang itinawag ni Ginoong Benny Escoton sa tanggapan ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) matapos niya itong matagpuan sa Barangay Urduja, Narra, Palawan.

Natagpuan ni Ginoong Escoton ang agila noong Oktubre 13 habang sila ay patungo sa kanilang sakahan. Hindi umano ito makalipad dahil sa sugat sa pakpak. Dahil sa pag-aalala na maaaring lumala ang kondisyon ng ibon, pansamantala nila itong inalagaan at agad na iniulat ang insidente sa PCSDS.

Matapos makatanggap ng ulat, agad na nagtungo sa lugar ang Wildlife Traffic Monitoring Officer (WTMO) ng PCSDS. Ang nasabing wildlife ay ligtas na naiturnover sa PCSDS sa Puerto Princesa City para sa kaukulang proseso.

Sa kasalukuyan, ang agila ay nasa pangangalaga ng Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC) upang sumailalim sa nararapat na gamutan at rehabilitasyon.

๐๐€๐€๐‹๐€๐‹๐€:
Ang ating mga buhay-ilang ay nangangailangan ng ating malasakit at maagap na pag-aksyon. I-report kaagad sa PCSDS ang anumang insidente ng sugatan o nanganganib na wildlife upang matiyak ang kanilang kaligtasan at wastong pangangalaga.

๐๐‚๐’๐ƒ๐’ ๐„๐ง๐Ÿ๐จ๐ซ๐œ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐“๐ž๐š๐ฆ๐Ÿ“ฑ

Central โ€“ 09513208791๏ฟฝSouth โ€“ 09169546919๏ฟฝNorth โ€“ 09125753527๏ฟฝCalamian โ€“ 09076605619

Photo credit: Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC)

#PCSDS #Narra #WildlifeRescue #EagleResponse #ProtectWildlife #Conservation