๐’๐š๐ฆ๐š-๐ฌ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐€๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง, ๐๐š๐ ๐›๐ฎ๐ง๐ ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ค๐š ๐ฌ๐š ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐‘๐ž๐ก๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐š๐๐จ๐ง๐  ๐‚๐ก๐š๐ข๐ง๐ฌ๐š๐ฐ ๐ฌ๐š ๐‘๐ข๐ณ๐š๐ฅ, ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง

by | May 4, 2026

Abril 29, 2026 โ€” Nakumpiska ng PCSDS South Enforcement Team, katuwang ang SOT personnel, PGPโ€“Peace and Security Cluster, mga opisyal ng barangay, at PNP Rizal, ang isang hindi rehistradong chainsaw sa Brgy. Iraan, Rizal, Palawan.

Isinagawa ang operasyon matapos ang ulat hinggil sa umanoโ€™y paggamit ng hindi rehistradong chainsaw. Sa lugar, natagpuan ang bagong putol na coconut lumber at ang chainsaw. Kalaunan, dumating ang isang indibidwal at inaming siya ang may-ari nito.

Nagkaroon man ng tensyon sa beripikasyon, agad itong naresolba sa tulong ng PNP at barangay officials. Sa huli, isinuko ang chainsaw at dinala sa Barangay Iraan Hall para sa dokumentasyon at pagkumpiska dahil sa kawalan ng permit o rehistrasyon. Ang kagamitan ay nasa kustodiya na ng PCSDS para sa kaukulang legal na proseso.

Ipinapakita ng insidente ang kahalagahan ng maagap na pag-uulat, maayos na koordinasyon, at pagtutulungan ng komunidad at mga awtoridad sa pangangalaga ng kagubatan at likas-yaman ng Palawan.

๐“๐€๐๐ƒ๐€๐€๐:
Ang isang chainsaw ay kayang makaputol ng tinatayang 40 puno sa loob ng isang araw. Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ang ilegal na pagputol ng puno at paggamit ng chainsaw nang walang kaukulang permit. Hinihikayat ang publiko na agad i-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang maprotektahan ang kagubatan at likas-yaman ng Palawan.

๐๐‚๐’๐ƒ๐’ ๐„๐ง๐Ÿ๐จ๐ซ๐œ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐“๐ž๐š๐ฆ
Central โ€“ 09513208791
South โ€“ 09169546919
North โ€“ 09125753527