𝐏𝐚𝐠𝐛𝐢𝐛𝐢𝐠𝐚𝐲-𝐝𝐢𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐭𝐮𝐩𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐭𝐚𝐬 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐥𝐢𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧

by | Dec 11, 2025

Sa pagtatapos ng taon, binabalikan ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) ang serye ng mga operasyong pagpapatupad ng batas na nagbibigay-diin sa patuloy nitong pangako na ipatupad ang mga batas pangkapaligiran, partikular ang Wildlife Act (RA 9147) at ang ENIPAS Act (RA 11038).

Isa sa mga pangunahing operasyon ay naganap noong ika- Setyembre 11, 2025, sa Brgy. Manlag, El Nido, Palawan kung saan isang proyekto na napag alamang nasa protected area ay naipatigil dahil sa paglabag sa Section 20(o) ng ENIPAS Act. Ang paglabag ay may kinalaman sa pagtatayo o pagpapanatili ng mga istruktura at pagsasagawa ng negosyo sa loob ng protected area nang walang kaukulang PAMB clearance at DENR permits, taliwas sa mga probisyon ng RA 7586 (NIPAS Act), na inamyendahan ng RA 11038. Dito, isang kasong kriminal ang isinampa laban sa project engineer.

Noong ika- Oktubre 15, 2025 naman, isang permittee (marine product buying station) na pag-aari ng isang korporasyon sa Brgy. Bucana, El Nido, Palawan ang sumailalim sa inspeksyon at natuklasang lumabag sa Wildlife Act dahil sa pagtataglay ng mga nanganganib na uri ng isda at paglabag sa mga restriksiyon sa sukat ng isda. Kasunod ng operasyon, dalawang kasong kriminal ang isinampa laban sa isang dayuhang indibidwal at sa Pilipinong sekretarya ng korporasyon.

Lahat ng mga taong nakasuhan ay nakapagpiyansa na, at ang mga kaso ay kasalukuyang umuusad. Patuloy na naninindigan ang PCSD sa pangangalaga ng kapaligiran ng Palawan sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagmamanman, mahigpit na pagpapatupad ng batas, at aktibong pakikipagtulungan sa komunidad.