To ensure that the management of Coral Bay Nickel Corporation (CBNC) adheres to and implements sustainable, safe, and responsible practices and standards set by the International Council on Mining and Metals (ICMM), and responds to the United Nations Sustainable Development Goals (UNSDGs), the Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) through the ECAN Monitoring and Evaluation Division (EMED) conducted a sustainability assessment using Sustainable Management Monitoring Tool (SMOT) at the CBNC mining site in Rio Tuba, Bataraza, Palawan; August 29- September 2.
The SMOT, anchored on the 10 principles set by the ICMM, was developed by the Manicougan-Uapishka Biosphere Reserve of Canada. It comprises 46 objectives (indicators) spanning the four dimensions of sustainable development: economic, social, environmental, and governance, and aligns with the 17 UN SDGs. It was adopted by PCSDS in 2017 as a sustainability monitoring tool, ensuring the balanced performance of operating mining companies in Palawan across the four dimensions of sustainable development.
After evaluating the performance of CBNC using the SMOT indicators, the company achieved a โproactiveโ overall rating. This performance demonstrates that the company operation is responsive to the sustainable development of both the ICMM and the UNSDG, as it also complements the goals of Republic Act No. 7611, the Strategic Environmental Plan (SEP) for Palawan Act.
While CBNC demonstrates a proactive approach to sustainability, there remain areas for improvement. PCSDS has identified several opportunities for the company to further elevate its sustainable practices, including but not limited to, collaborating with local academic institutions and leveraging company scholars for research, and addressing potential environmental challenges, among others.
Meanwhile, on August 31, the PCSD (Council) institutionalized the use of SMOT for mining companies in Palawan through PCSD Resolution No. 23-937. As an additional condition for their SEP clearance, all incoming and operating mining companies in Palawan must conduct annual sustainability monitoring with PCSDS using this tool. #PCSDNews#pcsdupdates
———
Upang siguraduhing tumatalima at ipinatutupad ng Coral Bay Nickel Corporation (CBNC) ang tuloy-tuloy, ligtas, at responsableng pagmimina na alinsunod sa mga panuntunan ng International Council on Mining and Metals (ICMM), at ng United Nations Sustainable Development Goals (UNSDGs), nagsagawa ang Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) ECAN Monitoring and Evaluation Division (EMED) ng โsustainability assessmentโ gamit ang Sustainable Management Tool (SMOT), na isinagawa sa CBNC mining site sa Rio Tuba, Bataraza, Palawan; ika-29 ng Agosto hanggang ika-2 ng Setyembre.
Produkto ang SMOT ng Manicougan-Uapishka Biosphere Reserve at naka-angkla sa 10 prinsipyo ng ICMM. Mayroon rin itong 46 na layunin na kumakatawan sa apat (4) na dimension ng โsustainable developmentโ: economic, social, environmental, and governance. Ito ay alinsunod sa 17 UN SDGs. Taong 2017 nang nagsimula itong gamitin sa Palawan upang masiguradong balanse ang pagmimina sa lalawigan, sa tulong ng โsustainability monitoring toolโ.
Sa pamamagitan ng SMOT, napag-alamang โproactiveโ ang CBNC na may average na 76% : economic, 80%; environmental, 76%; social, 72%; at governance, 76%. Ito rin ay indikasyon ng pagsunod ng kompanya sa Batas Republika (BR) Bilang 7611, o ang Strategic Environmental Plan (SEP) for Palawan Act, at ng iba pang regulasyong may kinalaman sa pagmimina sa Palawan.
Kahit isang โproactiveโ na minahan na ang CBNC, nag-mungkahe pa rin ang PCSDS ng iba pang pamamaraan sa pagpapaunlad ng kanilang โsustainable practicesโ. Ilan sa mga ito ang pakikipag-ugnayan ng kompanya sa akademiya, pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga estudyanteng-mananaliksisk, at pag-pigil sa mga problemang may kinalaman sa kalikasan.
Noong ika-31 ng Agosto, sinang ayunan na ng PCSD ang PCSD Resolution No. 23-937, na naglalayong gawing requirement ang โsustainability monitoringโ ng SMOT upang maka-kuha ng SEP Clearance sa mga kompanyang nagmimina sa lalawigan.