





Noong Disyembre 4, 2025, nagsagawa ang PCSDS Enforcement Team ng retrieval ng isang Indo-Pacific crocodile na nahuli sa Sitio Marabahay, Brgy. Rio Tuba, Bataraza, Palawan. Ang operasyon ay isinagawa matapos makatanggap ng mga ulat mula sa mga residente hinggil sa presensya ng buwaya malapit sa kanilang mga tahanan.
Nililinaw ng PCSDS na walang naitalang insidente ng human-crocodile conflict (HCC) o pag-atake ng buwaya sa mga tao sa Sitio Marabahay at ang nasabing buwaya ay hindi pumasa sa mga pamantayang kinakailangan upang tanggalin ang isang buwaya mula sa isang lugar.
Ang buwaya ay dinala sa Puerto Princesa City para sa agarang gamutan dahil sa malalalim na sugat na tinamo sa proseso ng paghuli. Dahil labis na nanghina ang hayop, kinakailangan nito ng agarang atensyong beterinaryo mula sa mga eksperto ng PWRCC.
๐๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ค๐จ
Ang paghuli o pag-alis ng buwaya ay isang mapanganib na operasyon na maaaring magdulot ng panganib sa mga komunidad. Tanging ang PCSDS at ang mga kwalipikadong tauhan mula sa Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC) lamang ang awtorisadong magsagawa nito, alinsunod sa isang PCSD Resolution.
๐๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ฒ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ -๐๐๐ฅ๐ข๐ฌ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ฒ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ ๐๐ซ:
1.May naitalang aktuwal na ulat ng human-crocodile conflict (HCC) or crocodile attack sa komunidad;
2.Ang buwaya ay katumbas o higit sa 10 talampakan (3 metro) ang haba at naninirahan malapit sa mga tirahan ng tao;
3.May madalas na sightings sa loob ng 1 km mula sa mga barangay na nagdudulot ng panganib sa kaligtasan ng tao;
4.May mga naganap na insidente ng pag-atake ng buwaya, kahit pa ang habitat sa lugar ay angkop para sa kanila; at
5.Ang human-crocodile conflict or crocodile attack ay naganap sa labas ng kanilang breeding season o panahon ng pangingitlog (Oktubre hanggang Pebrero).
๐๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ฒ๐
Bagamaโt maaaring maging mapaminsala sa ilang pagkakataon, mahalaga ang papel ng mga buwaya sa ekosistema. Bilang mga top predator, tumutulong silang panatilihin ang balanse ng mga populasyon ng ibang hayop, at ang kanilang presensya ay indikasyon ng malusog na biodiversity at aquatic ecosystemsโ kung saan nakadepende ang lokal na ekonomiya at kabuhayan ng komunidad. Kaya, hindi lamang sila bahagi ng food chainโsila rin ay kritikal sa pangangalaga ng biodiversity sa kanilang mga tirahan.
๐๐๐๐๐๐๐: Ang inyong kaligtasan at ang kapakanan ng wildlife ang aming pangunahing prayoridad. Kung may makitang buwaya o posibleng panganib, agad makipag-ugnayan sa PCSDS at huwag magtangkang kumilos nang walang gabay ng mga eksperto.
๐๐๐๐๐ ๐๐ง๐๐จ๐ซ๐๐๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐๐๐ฆ ![]()
Central- 09513208791
South- 09169546919
North- 09125753527
Calamian- 09076605619
