


Nakibahagi ang DMD Calamian sa pagdiriwang ng 𝑊𝑜𝑟𝑙𝑑 𝑊𝑖𝑙𝑑𝑙𝑖𝑓𝑒 𝐷𝑎𝑦 na pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Busuanga sa pamamagitan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) noong Marso 5, 2026, sa Barangay Salvacion, Busuanga, Palawan. Ipinakita ng aktibidad ang patuloy na inisyatiba ng LGU sa pagpapalakas ng pangangalaga sa kalikasan at pakikilahok ng komunidad sa konserbasyon ng biodiversity. Nakiisa rin sa pagdiriwang ang mga kinatawan mula sa mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng DENR-CENRO, Philippine Coast Guard, KALIPI at mga barangay officials. Kabilang din sa aktibong nakibahagi sa okasyon ang non-government organization na IslaTech Network Ph (ICTNP).
Itinampok sa selebrasyon ang temang “𝑴𝒆𝒅𝒊𝒄𝒊𝒏𝒂𝒍 𝒂𝒏𝒅 𝑨𝒓𝒐𝒎𝒂𝒕𝒊𝒄 𝑷𝒍𝒂𝒏𝒕𝒔: 𝑪𝒐𝒏𝒔𝒆𝒓𝒗𝒊𝒏𝒈 𝑯𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉, 𝑯𝒆𝒓𝒊𝒕𝒂𝒈𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝑳𝒊𝒗𝒆𝒍𝒊𝒉𝒐𝒐𝒅 𝒇𝒐𝒓 𝒕𝒉𝒆 𝑴𝒖𝒏𝒊𝒄𝒊𝒑𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚 𝒐𝒇 𝑩𝒖𝒔𝒖𝒂𝒏𝒈𝒂,” na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga halamang may gamot para sa kalusugan, kultura, at napapanatiling kabuhayan ng komunidad.
Bilang bahagi ng pagpapalakas ng kamalayan sa ukol sa kapaligiran at biodiversity, nagsagawa ng iba’t ibang aktibidad tulad ng Orientation on Waste Segregation, Coastal Clean-up Drive, at Information, Education, and Communication (IEC) session na naglalayong hikayatin ang publiko, lalo na ang kabataan, na makibahagi sa pangangalaga sa kalikasan.
Naging tampok din sa pagdiriwang ang Poster-Making Contest at Quiz Bee na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa Salvacion National High School at Western Philippines University. Ipinakita ng mga kalahok ang kanilang pagkamalikhain at kaalaman sa usapin ng wildlife conservation at environmental sustainability.
Sa pakikilahok ng DMD Calamian, muling pinagtibay ang suporta nito sa mga inisyatiba ng LGU na nagtataguyod ng pangangalaga sa biodiversity, proteksiyon sa kalikasan, at pagpapalawak ng kaalaman ng komunidad sa mga batas na naayon sa pangangalaga ng kalikasan para sa kapakinabangan ng kasalukuyan at kinabukasan ng bawat mamamayan at mga komunidad. Isang patunay ng sama-samang pagkilos ay makakalikha ng makabuluhang hakbang para sa kalikasan at buhay-ilang!




