๐Œ๐ ๐š ๐ ๐š๐ ๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐  ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ง๐ฅ๐š๐›๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐ฌ๐ฎ๐ ๐š๐ฅ๐š๐ง, ๐ค๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ค๐š๐๐จ

by | Oct 8, 2024

๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž ๐ŸŽ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’-Nasa pagangalaga ngayon ng PCSDS Evidence Custodian ang tatlumpoโ€™t siyam (39) na mga gagambang nakumpiska ng mga pulis mula sa Police Station-2, Barangay Irawan, Puerto Princesa City sa kanilang isinagawang Anti-Gambling Operation noong Oktubre 06, 2024.

Ayon sa salaysay ng isa sa mga pulis, bandang alas-tres ng hapon noong Oktubre 06, 2024 nang may tumawag sa kanilang himpilan upang magsumbong patungkol sa naganap na sugalan (spider fighting) sa Purok Nagkakaisa, Barangay Sta. Lourdes, Puerto Princesa.

Kaagad namang rumisponde ang nasabing mga pulis at pumunta sa lugar ng pinangyarihan ng sugalan kung saan naabutan nila ang ilang mga kalalakihan na abala sa nasabing ilegal na aktibidad. Matapos ang Anti-Gambling Operation, apat ang arestado at kasalukuyang nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Gambling Act ng Pilipinas.

Paalala ng PCSDS sa publiko na ang anumang paglabag sa batas at ilegal na pagtataglay ng wildlife species, flora man o fauna, ay mahigpit na ipinagbabawal at may kaukulang kaparusahan sa ilalim ng Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Mahigpit na pinapayuhan ng PCSDS ang sinumang may kaalaman sa anumang ilegal na aktibidad na kinasasangkutan ng wildlife species na agad na mag-ulat o tumawag sa PCSDS Wildlife Enforcement Unit (WEU) hotline (TNT) 09319642128 at (TM) 09656620248, o sa PCSDS Front Desk hotline (Globe/TM) 0935-116-2336 at (Smart/TNT) 0948-937-2200. Maaari ding magpadala ng mga mensahe sa Facebook Page ng Palawan Council for Sustainable Development para sa agaran at kaukulang aksiyon.