๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ก๐ข๐ง๐ข๐ก๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐›๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ฌ ๐ง๐š ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐๐š๐ง๐ ๐จ๐ฅ๐ข๐ง, ๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐ข๐ง๐๐ข๐›๐ข๐๐ฐ๐š๐ฅ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ -๐š๐ญ๐š๐ค๐ž ๐ง๐  ๐š๐ฌ๐จ; ๐ˆ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ฐ๐š๐ง๐ข ๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐’๐”, ๐ง๐š๐ค๐ข๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฌ๐ž๐ฌ๐จ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐๐š๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ-๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐ญ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐‚๐’๐ƒ๐’

by | Dec 6, 2024

Ika-10 ng Nobyembre nang may makitang naglalakad na Palawan Pangolin si โ€œTatay Litoโ€ mula sa kaniyang lugar. Ayon sa kaniya, pasugod na sana ang kaniyang aso sa balintong na kaniyang nakita, kaya minabuti niya na iligtas na lamang ito, at dalhin sa tamang ahensiya. Iyon nga lang, sarado ang Barangay sa kanilang lugar dahil araw ng Linggo, kaya itinabi na muna niya ito sa ligtas na pangangalaga.

Makalipas ang ilang oras, napagpasiyahan niyang tawagan ang mga kawani ng Palawan State University (PalSU) na sina Gng. Lea Camangeg at Gng. Abrila Langbao, upang matulungan siya na sagipin ang Palawan Pangolin. Alas Onse na ng gabi nang makarating sina Gng. Camangeg at Gng. Langbao, kasama ang Bise Presidente ng Guardians of the Palawan Pangolin na si G. Kent Quiamco.

Kinabukasan, 11 Nobyembre 2024, nang dinala nila sa tanggapan ng Kawanihan ng Sangguinang Palawan para sa Patuloy na Pag-unlad (PCSDS), ang naturang buhay-ilang. May bigat ito na 4.2kg, may habang 79cm, at pinaghihinalaang buntis. Kabilang din ito sa listahan ng PCSD Resolution No. 23-967 bilang Critically Endangered Species, o mga buhay-ilang na malapit nang maubos, at kilala bilang โ€œMost Trafficked Mammalโ€ sa buong mundo.

Ayon kina Gng, Camangeg at Gng. Langbao, taong 2022 nang magkaroon sila ng Study Site sa lugar nina Tatay Lino. Isa sa kaalaman na kanilang ibinahagi ay ang pagpapahalaga sa buhay ng mga buhay-ilang, tulad ng Palawan Pangolin, kaya nagpapasalamat sila sa naging pamamaraan ni Tatay Lito sa pagsagip sa buhay ng balintong.

Sakaling may makita o mahuling buhay-ilang, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa Wildlife Enforcement Unit (WEU) at Wildlife Rescue Team (WRT) ng PCSDS sa numerong 0931 964 2128 (TNT) o 0965 662 0242 (TM) para sa agaran at tamang aksyon. Maaari ding magpadala ng mensahe sa Facebook Page ng PCSDS para sa iba pang mga alalahanin.