
Isang adult na Changeable Hawk-Eagle (𝑺𝒑𝒊𝒛𝒂𝒆𝒕𝒖𝒔 𝒄𝒊𝒓𝒓𝒉𝒂𝒕𝒖𝒔) ang itinawag ni Mister Rolando F. Excija, Jr. sa tanggapan ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), ngayong araw, ika-24 sa buwan ng Hunyo, taong 2024.
Ang nasabing agila ay nakita ni Mr. Excija sa Barangay San Rafael na hinuli ng mga bata noong Sabado, ika-22 ng Hunyo, taong 2024.

Sa pag-aalalang masaktan o mapahamak ang nasabing agila ay nagpresenta si Mr. Excija sa mga bata na bibigyan na lamang sila ng manok kapalit ng nahuli nilang agila dahil kaniya raw itong dadalhin sa tanggapan.
Ang Changeable Hawk-Eagle ay nasa klasipikasyon ng Endangered species sa ilalim ng PCSD Resolution No. 23-967.

Sakaling may makita o mapag-alamang buhay-ilang na kinakailangang sagipin o nais i-turnover sa PCSD, mangyaring mag-tect o tumawag lamang sa 09319642128 (TNT) o sa 09656620248. Maaari din kayong mag-iwan ng mensahe sa facebook page na ito para sa agarang pag-aksyon