
Isang Southeast Asian Box Turtle ang ibinigay ng mga concerned citizens sa pangangalaga ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS), ngayong araw, ika-10 ng Enero, taong kasalukuyan.

Ang naturang mga personalidad ay kinilala bilang sina Camille B. Palanca atย Marpe M. Bacaltos, kapwa mga residente ng Wescom Road, Barangay San Pedro, Puerto Princesa City. Ayon sa salaysay ni Palanca, natagpuan nila ang pagong na tumatawid sa kahabaan ng kalsada ng WESCOM Road noong unang Lunes ng taon, ika-2 ng Enero. Mula sa pagiging mahiyain ay naging komportable ang pagong sa pakikisalamuha sa mga tao sa loob ng isang linggo nitong pananatili sa kanilang tirahan.
Hindi lingid sa kaalaman nina Palanca at Bacaltos na ipinagbabawal ang pangangalaga ng mga wildlife species. Kung kayaโt alam niya na na dapat itong iturn-over sa tanggapan ng PCSDS.ย

Ang natukoy na pagong ay may haba na 13 cm, lapad na 10.5 cm at bigat na 284 grams. Samantala, ito ay nakatakdang pakawalan sa natural nitong tahanan.
Ang Southeast Asian Box Turtle ay nakatalang โEndangeredโ species sa ilalim ng PCSD Resolution No. 15-521.
Hinihimok ng PCSDS ang ating kababayan na nagkataong nakakita o nakahuli ng buhay ilang na mangyari po lamang na i-turn over sa aming tanggapan o hindi kaya ay tumawag sa aming hotlines sa pamamagitan ng mga numero ng PCSDS Wildlife Enforcement Unit (WEU) na 09319642128 (TNT) at 09656620248 (TM) o sa pamamagitan ng mga numero ng hotline ng PCSDS Front Desk na 0935-116-2336 (Globe/TM) at 0948-937-2200 (Smart/TNT). Maaari ka ring magpadala ng mensahe sa aming Facebook page para sa iyong mga alalahanin.