๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  โ€˜๐‚๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐œ๐š๐ฅ๐ฅ๐ฒ ๐„๐ง๐๐š๐ง๐ ๐ž๐ซ๐ž๐ ๐’๐ฉ๐ž๐œ๐ข๐ž๐ฌโ€™ ๐ง๐š ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐‡๐ข๐ฅ๐ฅ ๐Œ๐ฒ๐ง๐š๐ก, ๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐œ๐จ๐ง๐œ๐ž๐ซ๐ง๐ž๐ ๐œ๐ข๐ญ๐ข๐ณ๐ž๐ง ๐ฉ๐š๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐จ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฐ๐š๐ง๐ข๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ -๐ฎ๐ง๐ฅ๐š๐ (๐๐‚๐’๐ƒ๐’)

by | Dec 6, 2024

Hapon ng ika-4 ng Disyembre nang matagpuan ng mga residente ng Brgy. San Jose, Lungsod Puerto Princesa, ang isang Palawan Hill Mynah o Kiyaw sa damuhan. Basang-basa umano ang pakpak nito dahil na rin sa bumugsong ulan noong mga oras na iyon, kaya maaaring nahirapan itong makalipad.

Huwebes ng umaga nang dalhin ni G. Arvin Carl F. Lusoc ang naturang buhay-ilang sa PCSDS. Ayon kay G. Lusoc, mga pamangkin niya ang unang nakakita sa Kiyaw at boarders nila ang sumaklolo rito. Mayroon din siyang kamalayan na kaunti na lamang ang bilang nito sa lalawigan ng Palawan, kaya agad niya itong dinala sa Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR), at mula roon ay ginabayan siya patungo sa tamang ahensiyaโ€“PCSDS.

Ang Palawan Hill Mynah ay kabilang sa listahan ng โ€˜Critically Endangered Speciesโ€™ o mga buhay-ilang na malapit nang maubos ayon sa PCSD Resolution No. 23-967. Kaya hinihikayat ng PCSDS ang lahat ng Palaweรฑo na makipagtulungan sa pagliligtas ng mga buhay-ilang, anumang klase at uri.

Sakaling may matagpuang buhay-ilang na nasa delikadong sitwasyon, huwag mag-atubiling dalhin ito sa PCSDS, o kaya naman ay makipag-ugnayan sa Wildlife Rescue Team sa numerong 0931 964 2128 / 0965 662 0248, at maaari ding magpadala ng mensahe sa Facebook Page ng PCSD para sa agaran at tamang aksiyon.