𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐫𝐨𝐰𝐧-𝐛𝐚𝐜𝐤𝐞𝐝 𝐍𝐞𝐞𝐝𝐥𝐞𝐭𝐚𝐢𝐥, 𝐈𝐛𝐢𝐧𝐢𝐠𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐧𝐠 𝐏𝐂𝐒𝐃𝐒

by | Mar 13, 2023

Isang Brown-backed Needletail (Hirundapus giganteus) ang ibinigay ng isang concerned citizen sa pangangalaga ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS), ngayong araw, ika-13 ng Marso, taong kasalukuyan.

Ang naturang personalidad ay kinilala bilang si Jaya Marie L. Escosura, residente ng Barangay Inagawan, Puerto Princesa City. Ayon sa salaysay ni Jaya, tanghali nitong araw nang dalhin sa kanya ng kanyang mga nakababatang pinsan ang nasabing ibon. Kuwento ng mga bata, isang tricycle driver ang nakakita rito sa kahabaan ng kalsada ng Barangay San Jose. Sa kanyang pagsusuri, nabatid niyang matamlay ang nasabing ibon.

Agad namang nagpadala ng mensahe sa PCSD Facebook Page si Jaya at nabilinan na dalhin ang ibon sa tanggapan ng PCSDS sa Barangay Sta. Monica, Puerto Princesa City.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ito ng Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC) upang mabigyan ng paunang lunas at magpagaling.

Hinihimok ng PCSDS ang ating kababayan na nagkataong nakakita o nakahuli ng buhay ilang na mangyari po lamang na i-turn over sa aming tanggapan o hindi kaya ay tumawag sa aming hotlines sa pamamagitan ng mga numero ng PCSDS Wildlife Enforcement Unit (WEU) na 09319642128 (TNT) at 09656620248 (TM) o sa pamamagitan ng mga numero ng hotline ng PCSDS Front Desk na 0935-116-2336 (Globe/TM) at 0948-937-2200 (Smart/TNT). Maaari ka ring magpadala ng mensahe sa aming Facebook page para sa iyong mga alalahanin.