๐๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ญ๐จ๐ง๐  ๐ง๐š ๐๐š๐ญ๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐‚๐š๐ฏ๐ข๐ญ๐ž, ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ข๐›๐š๐ฅ๐ข๐ค ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง

by | Sep 21, 2026

๐—ฆ๐—ฒ๐˜๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ ๐Ÿญ๐Ÿณ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ฃ๐˜‚๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ผ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ถ๐˜๐˜†, ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป โ€” Isang Palawan Pangolin (๐˜”๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ด ๐˜ค๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ช๐˜ด), o โ€œBalintongโ€, na unang natagpuan sa isang residential property sa Mendez, Cavite, ang matagumpay na naibalik sa Palawan at muling pinakawalan sa natural nitong tirahan.

Bandang alas 6:18 ng umaga nang tanggapin ng PCSDS Wildlife Rescue Team ang isang buhay na lalaking balintong sa Puerto Princesa International Airport.

Ayon sa ulat, natagpuan umano ito na gumagala sa loob ng isang residential property sa Cavite. Sa tulong ng DENR-Biodiversity Management Bureau (DENR-BMB) CALABARZON, naibalik ito sa Palawan para sa tamang pagsusuri at disposisyon.

Agad na isinagawa ang pagsusuri sa kondisyon nito kasama si Dr. Glenn Rebong. Napag-alamang alerto ito, malusog, at maaari nang pakawalan sa parehong araw.

Matapos ang kinakailangang paghahanda at koordinasyon sa mga katuwang na tanggapan, matagumpay na naibalik sa natural na tirahan ang balintong bandang alas-11:45 ng umaga.

Ang matagumpay na pagbabalik sa Palawan at pagpapalaya sa balintong ay naging posible sa pamamagitan ng koordinasyon ng PCSDS Wildlife Rescue Team, DENR-BMB CALABARZON, at mga katuwang na tanggapan na tumulong sa ligtas na paghawak at pag-dispose ng wildlife.

Ang Palawan Pangolin ay kabilang sa mga Critically Endangered species sa ilalim ng PCSD Resolution No. 23-967. Matatagpuan lamang ito sa Palawan at nangangailangan ng patuloy na pangangalaga at proteksyon.

๐“๐€๐๐ƒ๐€๐€๐:

Hinihikayat ang publiko na huwag hulihin, alagaan, o ilipat ang mga wildlife mula sa kanilang natural na tirahan. Kung may matagpuang wildlife na nangangailangan ng tulong, agad itong i-report o i-turnover sa mga kinauukulang awtoridad upang mabigyan ng tamang pangangalaga at disposisyon.

๐๐‚๐’๐ƒ๐’ ๐„๐ง๐Ÿ๐จ๐ซ๐œ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐“๐ž๐š๐ฆ ๐Ÿ“ฑ

Smart / Sun: 09319642128

Globe: 09169646919

Landline: 048 – 726-6627