๐๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ญ๐จ๐ง๐  ๐ง๐š ๐๐š๐ฉ๐š๐๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐š ๐‹๐ฎ๐ ๐š๐ซ ๐ง๐  ๐“๐š๐จ, ๐๐š๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐ ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ ๐š ๐ง๐š ๐ง๐  ๐๐‚๐’๐ƒ๐’

by | Nov 25, 2025

Isang Palawan Pangolin o balintong ang ligtas nang nasa pangangalaga ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) matapos itong matagpuan sa isang bahay sa Barangay Santa Monica noong Nobyembre 17, 2025.

Ayon sa residente na si Gilbert Cayapas, nagsimula ang insidente nang makarinig siya ng kakaibang kalampag sa dingding ng kanilang tahanan. Nang kaniyang siyasatin, tumambad ang isang balintong na tila ba ay abalang naghahanap ng makakain.

โ€œMay naririnig kaming tunog sa dingding. โ€˜Di namin alam kung ano โ€˜yun, kaya tiningnan ko, at โ€˜yun โ€“ balintong na pala,โ€ kuwento ni Gilbert.

Hindi na raw siya nagdalawang-isip na dalhin ang buhay-ilang sa mas ligtas na lugar dahil alam niyang kabilang ito sa endangered species. Napakikinggan niya umano sa radyo ang programang SEP: Ating Batas, kaya alam niyang nararapat itong i-turn over sa PCSDS. Mismong sa araw ding iyon ay dinala niya ang balintong sa tanggapan ng ahensiya.

โ€œBye-bye, nasa safety ka na,โ€ paalam ni Gilbert sa buhay-ilang bago ito iabot sa kinauukulang tanggapan.

Ang Palawan Pangolin, na itinuturing na Critically Endangered batay sa PCSD Resolution No. 23-967, ay kinikilala rin bilang โ€œMost Trafficked Mammalโ€ sa buong mundo dahil sa patuloy na ilegal na panghuhuli at kalakalan.

Muling pinaalalahanan ng PCSDS ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pag-aalaga, paghuli, at pagbebenta ng wildlife nang walang kaukulang permit. Hinihikayat rin ang sinuman na makakita o makasagip ng wildlife na agad makipag-ugnayan sa Wildlife Rescue Team sa numerong 0931 964 2128 o 0965 662 0248, o magpadala ng mensahe sa PCSD Facebook Page para sa agarang tugon.